Lahat naman tayo gustong magkaron ng pera diba? Dahil kapag marami kang pera mabibili mo ang lahat ng kailangan at gusto mo. Sabi pa nga ng iba, mas maraming pera mas masaya.
Kaya naman lahat tayo gustong yumaman. At ang pinaka epektibong paraan upang yumaman ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng business. Pero paano ka magsisimula ng isang negosyo, kung wala ka namang pera?
Isi-share ko sayo ang sekreto kung paano magsimula ng negosyo kahit out of budget ka.
Excited ka na ba?
Mahirap bang paniwalaan na posible kang magkaroon ng business kahit wala kang kapital. Actually, hindi talaga yun ang problema. Dapat ang pinaka concern mo dito ay kung may lakas kaba ng loob upang ipaglaban ang anomang sisimulan mo. In short, dapat isapuso mo.
Bakit kailangan ng pera ang isang business?
Of course, sa kahit anong gawin natin, lalo na sa panahon ngayon, halos bawat galaw natin, may involve na pera. Lalo na sa business, napaka importante ng pera. Ngunit hindi lahat ng business ay magkapareho ng kailangang kapital upang makapagsimula ng negosyo. Iba-iba ang kailangan, iba- iba ang style.
So, ang pinaka-una mong gawin, ay i-estimate mo ang budget o capital na kailangan sa iyong napili na gagawing negosyo.
Mga kailangan para magkaroon ng business
- Lisensya/permits – hindi magkapareho ang rate ng permit, depende ito sa lugar na tatayuan mo ng iyong negosyo, kung matao mas mahal ito.
- Supplies – kailangan mo rin muna magkaroon ng pagkukuhanan ng iyong mga supply. Karamihan ngayon, pagmaramihan makakamura ka.
- Lugar/pwesto – Dito ka malalakihan, lalo na kapag wala kang owned location. Mapipilitan ka talagang mag renta.
- Pondo – Although ang purpose mo kaya na- business ay para magkapera, kailangan mo talaga magkaroon ng pondo para sa mga gastusin ng iyong negosyo.
- Empleyado/Tao – sila ang mga tao na magtatrabaho sayo in case kailangan mo ng skills ng ibang tao na hindi mo kaya.
Kaya naman kung iisipin, sa pagpaplano pa lang ng business, malaki-laki na talaga ang kailangan mo.
Pero maari mo yang maiwasan. Dahil meron nang ibang paraan na kumikita ka na, hindi kapa naglalabas ng pera. At in demand na in demand pa ito ngayon.
Una: Home-based
Unahin ang mga pinaka importanti. Kung nagsisimula kang magtayo ng business, at kailangan mo ng mga tao, pwede naman ikaw nalang muna ang magtatrabaho para sa negosyo mo. Pwede ka rin magtrabaho sa iyong bahay, sa ganun makakatipid ka sa bayarin sa renta ng iyong lokasyon. At maaari kang kumuha o maghanap ng murang supplier ng iyong mga produkto. Ang pinaka indemand ngayon ay freelancing na work from home. Karamihan sa kanila ay nag ooffer ng services sa mga kumpanya na naghahanap ng mga tao na makakamura sila. Ito ang pinaka common na self employment ngayon. Kumikita ka within your convenience.
Pangalawa: Online business
Pwede ka magnegosyo gamit ang internet. Sa pamamagitan nito makakabawas ka ng mga bayarin katulad ng permit, tao, lokasyon etc. Gamitin mo ang social media kung saan libre lang upang i-advertise ang iyong business. In short, magsimula ka sa ibaba, simplified lahat. Kasi walang negosyo na nagsisimula sa itaas. Kung kikita kana at mataas na ang demand, maari ka nang magtayo ng physical company o store mo.
Pangatlo: Be resourceful kung saan ka pwedeng kumuha ng pang-puhunan.
Kung meron ka namang maayos na business plan at alam mong kaya mo itong palaguin, try mong gumamit ng “Other People’s Money” in other words try mong humingi ng tulong sa mga pwedeng makatulong sayo tulad ng:
Pamilya/Kaibigan – wag ka nang masyadong ma-pride. Humingi ka ng tulong o manghiram ka muna ng pang-dagdag sa capital mo. Dito mo malalaman kung sino ang totoo sayo.
Investors – baka meron kang kakilala na business-minded din o meron nang kumikita na negosyo, pwede kang makipag partner sa kanila.
Banks – maari ka din manghiram sa bangko o gobyerno. Sila ay nag-ooffer ng business loans para sa mga starting entrepreneurs. Meron nga lang interes na ipapatong pero kung gusto mo talagang i-pursue ang iyong pangarap na negosyo, kailangan mo talagang alagaan ang pera na hihiramin mo.
Later isi-share ko naman sayo kung ano ang mga ginawa ko para kumita sa isang business activity na wala akong nilabas na puhunan. Kaya keep in-touch lang. Sundan mo lang ang mga kwento ko.