Paano sagutin si prospect kung sasabihin nya na ''WALA AKONG PERA''

Kadalasan na ma e-encounter ng mga networker ay ganito, ''wala akong pera''
Nakaranas kana ba ng ganitong objection sa yung networking business? Hindi mo alam kong anong gawin mo para masagot ng tama at para mapasali mo sya.

Meron tamang pamamaraan para masagot ng tama ang objection na'to.

For example..

OBJECTION: ''Wala Akong Pera''


Ikaw: :) Pwede bang magtanong? Ok lang ba sayo kung magtapatan tayo sa isa't-isa?


Prospect: Ok lang


I: Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na to pero wala ka lang pera O sinasabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend kaya hindi mo agad masabi na hindi ka interesado? :)


Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, eto ang sabihin mo...


I: :D Sabi ko na eh.. Hahaha! Ikaw talaga... Walang problema. I understand. Hindi naman kasi talaga para sa lahat ang Business Opportunity  na ito. Ang hinahanap ko lang ay yung talagang interesadong matulungan ng opportunity na to.


Or.. You can also ask for referrals.


May kakilala ka bang gustong kumita ng additional 10,000 per month gamit lang ang Facebook at Internet at pwedeng matulungan ng opportunity na to? :)



Pag sinabing interesado talaga sila at wala lang talagang pera, ang kaylangan mo lang gawin ay turuan sila kung paano mag isip ang mga mayayaman.


I: Alam Mo Sa totoo lang, Naiintindihan ko yang sitwasyon mo NAME,
Kasi Nung una kong nakita 'tong Business na 'to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan din yung sinabi ko…
"Wala akong Pera". :)

Pero narealize ko, kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong gagawing bago wala ding mangyayaring bago sa Buhay ko..
Kung 5 years ago sinasabi ko na yung salitang “Wala akong pera, Malamang 5 years from now ay paulit ulit ko pading sasabihin yung salitang "Wala akong Pera".

Kaya ang ginawa ko.. Gumawa ako ng paraan, Binaba ko yung Pride ko, kahit masakit at napaka hirap para sakin nun ay nangutang ako sa mga Kakilala ko, Specially sa mga taong Pinagkakatiwalaan ako..
Eto lang yung gusto kong itanong sa'yo… NAME,

Gusto mo ba na palagi mo na lang sasabihin yung salitang yan "WALA AKONG PERA"?
Gusto mo ba  sakto o KULANG na lang palagi yung pera mo ?? :)


P: syempre hindi


I: :) Ano yung 3 bagay na pwede mong gawin para makagawa ka ng paraan at para makapag raise ka ng puhunan?



ANSWER #2:

Make them Uncomfortable with their situation (in a nice way :P).


Prospect: Wala akong pera?

Ikaw: Totoo bang wala kang pera?

Prospect: Oo totoo

Ikaw: Anong pakiramdam ng walang pera? (Pagkatapos mong magtanong tumahimik ka at pakinggan mo yung sasabihin n’ya)

Prospect: Hindi OK

Ikaw: Paanong hindi OK? Pwede mo bang i-explain? (Let them talk)

Ikaw: Naku! NAME, mukang hindi nga OK yung ganyang sitwasyon at pakiramdam.

:) Pero pano mo magagawang mabago yang sitwasyon mo kung hindi mo babaguhin yung ginagawa mo o kung wala kang gagawing bago?



Kung gusto mo ng mabilisang sagot, eto yung pwede mong sabihin..


Seryoso ka ba talaga kanina nung sinabi mo na makakatulong itong opportunity na to para (THEIR WHY)


P: Oo, seryoso ako


I: Kung may maiisip kang 5 na magandang paraan para makapag-raise ng pang-invest para makapag start ka na sa business na to at para (THEIR WHY), ano-ano yung mga paraan na yun?


Kung nakatulong itong mga sagot para sayo please leave comment below and share to your friends.

SANA MAY NAPULOT KANG ARAL TUNGKOL SA OBJECTION NA'TO..

Until next time..goodluck to your business :))


🔴PS: SPECIAL VIDEO TRAINING PARA SA NEGOSYO MO. CLICK HERE


No comments:

Post a Comment